Takot na muling sumugal.
ikaw, ikaw na laman ng aking isipan.
ikaw na pumupuno ng kaligayahan sa aking puso.
kailan kita mahahawakan ng buong-buo?
hanggang sa panaginip na lamang ba kita mapapa.amo?
doon lang ba matutuloy ang sa tingin ko’y ating kinakakatakutan?
takot ang bumabalot sa mundo ko.
takot na baka ika’y maglaho, katulad ng sa panaginip ko.
kahit na anong pilit ko, ikaw ay hindi mahagilap.
malaya ka, malayo at hindi kailanman makokontrol.
mag-saya ka, ganun din ako.
siguro nga hindi ikaw.
sumugal na ako at natalo; masakit, mahirap.
sumugal na ako noon, ikaw naman ngayon.